So let me share with you guys some of the food I ate during my 11-day vacation in Tokyo. A little bit of warning though... bawal magbasa yung nagugutom dahil lalo kayo magugutom! Hahaha.
Posing with Colonel Sanders. Sosyal ang KFC nila sa Japan, paskong-pasko! :)
Oo, mahal ang pagkain sa Japan...
Pero sulit kasi masarap. Like their chicken, sobrang juicy! :)
Op, op , op... di totoong pagkain yan. Familiar with the DIY sushi kits na mabenta sa bagets? Parang ganyan, Japanese food art. Galing no?
In this photo naman we're at Kaiten Sushi. Here's Jay ordering sushi (na wala sa conveyor belt). Ang saya saya ko, nag level up na ang aking Sakae Sushi experience. Hahahaha. Authentic conveyor belt style resto in Japan!
Hindi mawawala ang miso soup. Sa totoo lang, IBA ang lasa ng miso soup sa Japan. Ubod ng sarap. Puwedeng siya na lang ang inumin ko forever kesa tubig. Ganun siyang kasarap. Hahaha.
Hindi mawawala ang mga fried pika pika sa hapag kainan, ganun ata talaga kapag pinoy. And yes, may unlimited supply of hot matcha green tea. So kahit gaanong kadaming lafang ang gawin ng hapon, payat pa rin sila dahil puro tsaa iniinom nila. Detox lang ng detox!
Tulad ng Sakae Sushi dito sa atin, iba iba rin ang prices sa Kaiten Sushi depende sa lalagyan or plato. Price range from ¥100-¥500. Take note, buffet ito. *burp*
Obvious ba? I LOVE SALMON SUSHI AND SASHIMI! Ewan ko na lang if di pa kayo gutom by now. Ako pa nga lang na nag b-blog nagugutom, paano pa kaya kayong nagbabasa? Hihihihi.
Siyempre naman dapat may panghimagas or dessert! :) Ang napansin ko lang sa desserts nila or chocolates, hindi gaanong sweet. Ok lang yung lasa, tamang tamis lang. Very healthy!
Next photo naman is from our Yakiniku dinner. Again, buffet yan. In fairness naman kasi sa host namin, alam niya talaga if saan ka talagang mabubusog.
According to my cousin Jay, favorite resto ito ni Keith (another cousin based in Sydney, Australia). Araw araw daw sila nag dinner dito nung nag vacation din siya dun. Hay nako Keith, di kita masisisi. If ako lang masusunod dito rin ako gabi gabi. Yummy!
Sa sobrang sarap, wala ng time yung brother ko mag pose for the camera. Hihihihihihi.
Hindi halatang busog na sila no? :)
Next stop, ramen house! Na open ata ng 24 hours! Haha. Nag midnight snack kami dito after watching the last full show ng The Hobbit. Sa sobrang haba nung movie, nagutom mga kasama ko.
Authentic ramen from Japan! Medyo sinipa niya yung Nissin cup noodles ko sa sarap. Hahahaha.
Another Japanese dessert! Almond tofu with mangoes, beans and syrup. Sayang at hindi matamis yung mango nila but nevertheless... ANG SARAP. Period.
Last but not the least, itong tempura style na parang deep fried mochi. I forgot the name but super sarap! Obvious ba? Sarap na sarap ako sa pagkagat o!
Part 1 pa lang yan guys! Abang ang part 2! Hope you enjoyed your weekend, happy eating! ;)